You are my inspiration

You are my inspiration

Have you ever wanted to talk

Have you ever wanted to talk

Mga chismoso

Sunday, January 24, 2010

Pinoy abroad

As the whole world know , pinoys are everywhere in this 4 corner of this world...From the Himalayas to the top of Mt Sinai in Tralala land.
At bakit nga ba ang mga pinoy ay umaalis sa sariling bansa mangibang bansa. For some maybe its just for leisure lalo na sa mga may kakayahan na maglakbay. Pero karamihan ay nangignibang bansa para maghanapbuhay. Hinde na ito bago sa mga dayuhan dahil sila din ay nangingibang bansa rin. Pero tayong mga pinoy, what are the main reason why we are doing this for centuries.
Sabi nila pag nag abroad ka na yayaman ka na kasi maraming dollar ang kikitain sa ibang bansa. Hinde po ito totoo, at depende kung sino yong nag aabroad. Go where the grass is greener yan po ang famous motto ng karamihan sa ating mga Pinoy.
Pero bakit greener nga marami pa ring umuuwi sa sariling bayan na malungkot at luhaan. For some of us we work for a long period of time even years a decade or more.
Some are succesful nakapagpundar ng gamit sa bahay, nakabili ng motor, jeep , kotse, bahay, LV bag ni misis, Adidas shoes ng anak etc. Ito po ba ang dahilan kung bakit tayo nag abroad, para makabili ng bahay , for majority malamang yes ang sagot, how about jeep , motor ,car,,,well yes pa rin ang sagot...paano naman yong LV bag ni misis yon ba ay sign ng karangyaan ng isang pamilya. Well aminin man natin at hinde yon at kagarbuhan na lamang. Marming mister dyan ang nag aabroad padala ng padala ng pera, di na bale na walang maiwan sa kanya kahit na setimo para lang paipadala sa pamilya.. Ang hinde alam ni Mister si Misis ay lagi sa parlour at nagpapamanicure, pedicure, facial , parebond ng buhok, bili ng bsgong bag, panay ang punta sa Sm isasama pa si Kumare para maipakita niya na marami siyang datung na dumating galing kay mister...
Ang anak naman panay sabi may bayaran sa school yon pala panlalaro lang ng computer games sa mga internet cafe, pang inom kasama ng mga barkada, kung minalas malas pa ang parents pangbili pa ng drugs...
Pinoy abroad malamang some of us already experienced this or isa tayo sa biktima ng minalas or sinuwerte na nag abroad. Saan po natin ilalagay ang sarili natin, sige kayod pa rin ba tayo para may maibigay at masustentuhan ang mga pamilya natin na walang mayaw kung gastusin ang mga pinaghirapan natin. Ilan sa atin nag nabubulyawan ng mga walang hiyang mga amo , pero tinitiis na lang natin or iniignore na lang kasi nag nasa isip natin ay ok lang yon basta sa katapusan may susuwelduhin. Mapapangiti na lang tayo pag tanggap ng sweldo para may maipadala at kalimutan ang hirap, alipusta na dinaranas sa mga among banyaga.

No comments: